Add parallel Print Page Options

45 Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik, at alalayan mo ang kanilang usap.

46 Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (A)(sapagka't walang tao na di nagkakasala,) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa't sila'y dalhing bihag (B)sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit;

47 Gayon ma'y kung sila'y magbulay sa kanilang sarili (C)sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila, at magbalik-loob, at mamanhik sa iyo sa lupaing pinagdalhan sa kanila na bihag, na magsabi, (D)Kami ay nagkasala, at kami ay gumawa ng kalikuan, kami ay gumawa ng kasamaan;

Read full chapter