Add parallel Print Page Options

Pagbabasbas sa Bayan

54 Nakaluhod si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh at nakataas ang mga kamay samantalang nananalangin. Nang matapos ang kanyang pananawagan kay Yahweh, 55 tumayo siya at sa malakas na tinig ay binasbasan ang buong Israel na nagkakatipon doon. 56 “Purihin(A) si Yahweh! Tinupad niyang lahat ang kanyang mga pangako, at binigyan ng kapayapaan ang bayan niyang Israel. Sa lahat niyang mga pangako kay Moises, wala isa mang nasira.

Read full chapter