Add parallel Print Page Options

Katulad ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang kaniyang asawang si Abraham. Kayo rin ay mga anak ni Sara kung mabuti ang inyong mga gawa at wala kayong katatakutang anuman.

Kayo namang mga asawang lalaki, manahan kayong may pang-unawa kasama ng inyong asawa tulad ng isang mahinang sisidlan. Bigyan ninyo sila ng karangalan sapagkat kapwa ninyo silang tagapagmana ng biyaya ng buhay. Sa gayon ay walang magiging hadlang sa inyong mga panalangin.

Pagdanas ng Hirap sa Paggawa ng Mabuti

Katapus-tapusan, magkaisa kayo, magdamayan, magma­halan bilang magkakapatid. Kayo ay maging maawain at mapagkaibigan.

Read full chapter