Add parallel Print Page Options

Ngayon nga'y tumayo kayo, upang ako'y makiusap na kasama ninyo sa harap ng Panginoon tungkol sa lahat ng matuwid na gawa ng Panginoon na kanyang ginawa sa inyo at sa inyong mga ninuno.

Nang(A) si Jacob ay makapasok sa Ehipto, at ang inyong mga ninuno ay dumaing sa Panginoon, sinugo ng Panginoon sina Moises at Aaron, na siyang naglabas sa inyong mga ninuno mula sa Ehipto, at pinatira sila sa lugar na ito.

Ngunit(B) nilimot nila ang Panginoon nilang Diyos. Kanyang ipinagbili sila sa kamay ni Sisera, na pinuno ng hukbo ni Hazor, at sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari sa Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila.

Read full chapter