Add parallel Print Page Options

Sinalakay ni Jonatan ang kampo ng mga Filisteo sa Geba at nabalitaan ito ng iba pang Filisteo. Kaya iniutos ni Saul na patunugin ang trumpeta sa buong Israel bilang paghahanda ng mga Hebreo[a] sa digmaan. Nabalitaan ng mga Israelita na galit na galit ang mga Filisteo sa kanila dahil sinalakay ni Saul ang kampo. Kaya nagtipon ang mga Israelita sa Gilgal kasama ni Saul.

Nagtipon ang mga Filisteo para makipagdigma sa mga Israelita. Mayroon silang 3,000[b] karwahe, 6,000 mangangabayo at mga sundalo na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. Nagtipon sila at nagkampo sa Micmash, sa silangan ng Bet Aven.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:3 Hebreo: o, Israelita.
  2. 13:5 3,000: Ganito sa ibang mga teksto ng Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, 30,000.