Font Size
1 Samuel 13:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Samuel 13:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 Ang iba sa kanilaʼy tumawid sa Ilog ng Jordan papuntang Gad at Gilead. Naiwan si Saul sa Gilgal, at nanginginig sa takot ang mga kasama niya.
8 Naghintay si Saul kay Samuel sa Gilgal ng pitong araw ayon sa sinabi ni Samuel sa kanya, pero hindi dumating si Samuel. Nang makita ni Saul na unti-unting nag-aalisan ang mga kasama niya, sinabi niya, 9 “Dalhin ninyo sa akin ang handog na sinusunog at ang handog para sa mabuting relasyon.”[a] At inialay ni Saul ang mga handog na sinusunog.
Read full chapterFootnotes
- 13:9 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®