Add parallel Print Page Options

16 Doon sa Gibea, sa lupain ng Benjamin, nakita ng mga tagapagbantay ni Saul ang mga sundalong Filisteo na nagtatakbuhan papunta sa ibaʼt ibang direksyon. 17 Sinabi ni Saul sa mga tauhan niya, “Tipunin ninyo ang mga sundalo at tingnan kung sino ang nawawala.” At nalaman nila na wala si Jonatan at ang tagapagdala niya ng armas.

18 Sinabi ni Saul kay Ahia, “Dalhin dito ang Kahon ng Dios.”[a] (Nang panahong iyon, ang Kahon ng Kasunduan ay nasa mga Israelita.)[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:18 Kahon ng Dios: Ang Kahon ng Kasunduan.
  2. 14:18 Dalhin … Israelita: Ito ang nasa Hebreo; sa ibang tekstong Septuagint, “Dalhin dito ang espesyal na damit ng pari.” (Nang panahong iyon, si Ahia ang nagsusuot ng damit na ito sa harap ng mga Israelita.)