Add parallel Print Page Options

Natalo ang mga Filisteo

16 Nakita ng mga kawal ni Saul sa Gibea ang pagkakagulo ng mga Filisteo. 17 Sinabi ni Saul sa kanyang mga kasama, “Tingnan nga ninyo kung sino ang wala sa atin.” Tiningnan nila at natuklasan nilang wala si Jonatan at ang tagadala nito ng sandata.

18 At sinabi ni Saul kay Ahias, “Dalhin mo rito ang efod.” Si Ahias nga ang may dala ng efod noon.

Read full chapter