Add parallel Print Page Options

Mga digma ni Saul at ang kaniyang sangbahayan.

47 Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel, ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawa't dako, laban sa Moab, at laban sa mga anak ni (A)Ammon, at laban sa Edom, at laban sa mga hari sa (B)Soba, at laban sa mga Filisteo: at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila.

48 At kaniyang ginawang may katapangan, at sinaktan ang mga (C)Amalecita, at iniligtas ang Israel sa mga kamay ng mga sumamsam sa kanila.

49 (D)Ang mga anak nga ni Saul ay si Jonathan, at si Isui, at si Melchi-sua: at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na babae ay ito; ang pangalan ng panganay ay (E)Merab, at ang pangalan ng bata ay (F)Michal:

Read full chapter