Add parallel Print Page Options

Ang Paghahari ni Saul at ang Kanyang Pamilya

47 Sa panahon ng paghahari ni Saul sa Israel, nakalaban niya ang lahat niyang mga kaaway sa magkabi-kabilang panig. Ito'y ang mga Moabita, Ammonita, Edomita, Sobita at mga Filisteo. Nagtatagumpay siya saanman siya mapalaban. 48 Lalong kinilala ang kanyang kapangyarihan nang talunin niya ang mga Amalekita, at patuloy na ipagtanggol ang Israel laban sa mga nagtatangkang sumakop dito.

49 Ito ang mga anak ni Saul: ang tatlong lalaki ay sina Jonatan, Isui at Melquisua; ang mga babae nama'y sina Merab at Mical.

Read full chapter