Add parallel Print Page Options

19 Kaya't nagsugo si Saul ng mga sugo kay Isai, at sinabi, (A)Suguin mo sa akin si David na iyong anak, na nasa kawan ng mga tupa.

20 At kumuha si Isai ng (B)isang asno na may pasang tinapay, at isang balat ng alak, at isang anak ng kambing, at ipinadala kay Saul sa pamamagitan ni David na kaniyang anak.

21 At dumating si David kay Saul at (C)tumayo sa harap niya: at minahal niya siyang mainam; at siya'y naging tagadala ng sandata niya.

Read full chapter