1 Samuel 21:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Isang lalake nga sa mga lingkod ni Saul ay naroon nang araw na yaon, na pinigil sa harap ng Panginoon: at ang kaniyang pangalan ay (A)Doeg na Idumeo, na pinakapuno ng mga pastor na nauukol kay Saul.
8 At sinabi ni David kay Ahimelech, At wala ka ba sa iyong kamay na sibat o tabak? sapagka't hindi ko nadala kahit ang aking tabak o ang aking mga sandata man, dahil sa ang bagay ng hari ay madalian.
9 At sinabi ng saserdote, (B)Ang tabak ni Goliath na Filisteo, na iyong pinatay sa (C)libis ng Ela, narito, nabibilot sa isang kayo na nasa likod ng epod: kung iyong kukunin yaon, kunin mo: sapagka't walang iba rito liban yaon. At sinabi ni David, Walang ibang gaya niyaon; ibigay mo sa akin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978