Add parallel Print Page Options

Tinanong ni David si Ahimelec, “Mayroon ka bang espada o sibat dito? Hindi ako nakapagdala ng aking espada o kahit anumang armas dahil madalian ang utos ng hari.” Sumagot ang pari, “Narito ang espada ng Filisteong si Goliat na pinatay mo sa Lambak ng Elah. Nakabalot ito sa tela at nasa likod ng espesyal na damit[a] ng mga pari. Kunin mo kung gusto mo, wala nang iba pang espada rito kundi iyon lang.” Sinabi ni David, “Ibigay mo iyon sa akin. Wala ng ibang kapareho iyon.”

10 Nang araw na iyon, tumakas si David kay Saul, at pumunta kay Haring Akish ng Gat.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:9 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.”