Add parallel Print Page Options

20 Pero nakatakas si Abiatar na anak ni Ahimelec, at sumama kay David. 21 Sinabi niya kay David na ipinapatay ni Saul ang mga pari ng Panginoon. 22 Sinabi ni David kay Abiatar, “Nang makita ko noon si Doeg nang pumunta ako kay Ahimelec, alam ko nang magsusumbong siya kay Saul. Kaya pananagutan ko ang pagkamatay ng buong sambahayan mo.

Read full chapter