Add parallel Print Page Options

19 Ngayon, may mga taga-Zif na pumunta kay Saul sa Gibea at nagsabi, “Nagtatago po si David sa amin doon sa Hores sa kaburulan ng Hakila, sa gawing timog ng Jeshimon. 20 Kaya Mahal na Hari, pumunta po kayo roon anumang oras na gustuhin ninyo at kami na ang bahala. Ibibigay namin sa inyo si David.” 21 Sumagot si Saul, “Pagpalain sana kayo ng Panginoon sa pag-aalala ninyo sa akin.

Read full chapter