Add parallel Print Page Options

Kaya pumunta si David at ang mga tauhan niya sa Keila para makipaglaban sa mga Filisteo. Maraming Filisteo ang napatay nila; kinuha nila ang mga hayop nito at nailigtas nila ang mga taga-Keila.

(Nang tumakas si Abiatar at pumunta kay David sa Keila, dinala niya ang espesyal na damit[a] ng mga pari.)

Tinugis ni Saul si David

May nagsabi kay Saul na si David ay pumunta sa Keila. Kaya sinabi ni Saul, “Ibinigay na siya ng Dios sa akin, para na niyang ibinilanggo ang kanyang sarili sa pagpasok sa bayan na napapalibutan ng pader.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 23:6 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.” Ganito rin sa talatang 9.