Add parallel Print Page Options

At siya'y naparoon sa mga (A)kulungan ng kawan sa daan, na kinaroroonan ng isang yungib; (B)at pumasok si Saul upang takpan ang kaniyang mga paa. (C)Si David nga at ang kaniyang mga tao ay tumatahan sa pinakaloob na bahagi ng yungib.

(D)At sinabi ng mga tao ni David sa kaniya, Narito, ang araw na sinabi ng Panginoon sa iyo, Narito, aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay, at iyong gagawin sa kaniya kung ano ang mabutihin mo. Nang magkagayo'y tumindig si David at pinutol na lihim ang laylayan ng balabal ni Saul.

At nangyari pagkatapos, na nagdamdam (E)ang puso ni David, sapagka't kaniyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul.

Read full chapter