Add parallel Print Page Options

17 Ngayon nga'y iyong alamin at dilidilihin kung ano ang iyong gagawin; sapagka't ang kasamaan ay ipinasiya na laban sa ating panginoon, at laban sa kaniyang buong sangbahayan: sapagka't siya'y isang (A)hamak na tao, na sinoma'y hindi makapakiusap sa kaniya.

Ang pamamagitan ni Abigail. Si David ay nasiyahan.

18 Nang magkagayo'y nagmadali si Abigail, at kumuha ng (B)dalawang daang tinapay, at dalawang balat ng alak, at limang handang tupa, at limang takal ng trigo na sinangag, at isang daang kumpol (C)na pasas, at dalawang daang binilong igos, at ipinagpapasan sa mga asno.

19 At sinabi niya sa kaniyang mga bataan, Magpauna kayo sa akin; narito ako'y susunod sa inyo. Nguni't hindi niya isinaysay sa kaniyang asawang kay Nabal.

Read full chapter