1 Samuel 26:5-7
Ang Biblia (1978)
5 At si David ay bumangon at naparoon sa dakong kinahahantungan ni Saul: at nakita ni David ang dakong kinaroroonan ni Saul (A)at ni Abner na anak ni Ner, na kapitan ng kaniyang hukbo: at si Saul ay nakahiga sa (B)dako ng mga karo, at ang bayan ay humantong sa palibot niya.
6 Nang magkagayo'y sumagot si David, at nagsabi kay Ahimelech na Hetheo, at kay (C)Abisai na (D)anak ni Sarvia, na kapatid ni Joab, na nagsasabi, Sinong (E)lulusong na kasama ko kay Saul sa kampamento? At sinabi ni Abisai, Ako'y lulusong na kasama mo.
7 Sa gayo'y naparoon si David at si Abisai sa bayan sa kinagabihan: at, narito, si Saul ay nakatulog sa loob ng dako ng mga karo na dala ang kaniyang sibat na nakasaksak sa lupa (F)sa kaniyang ulunan: at si Abner at ang bayan ay nakahiga sa palibot niya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978