1 Samuel 26:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Nang magkagayo'y sumagot si David, at nagsabi kay Ahimelech na Hetheo, at kay (A)Abisai na (B)anak ni Sarvia, na kapatid ni Joab, na nagsasabi, Sinong (C)lulusong na kasama ko kay Saul sa kampamento? At sinabi ni Abisai, Ako'y lulusong na kasama mo.
7 Sa gayo'y naparoon si David at si Abisai sa bayan sa kinagabihan: at, narito, si Saul ay nakatulog sa loob ng dako ng mga karo na dala ang kaniyang sibat na nakasaksak sa lupa (D)sa kaniyang ulunan: at si Abner at ang bayan ay nakahiga sa palibot niya.
8 Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai kay David, Ibinigay ng (E)Dios ang iyong kaaway sa iyong kamay sa araw na ito: ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, na bayaan mong tuhugin ko siya ng sibat sa lupa sa isang saksak, at hindi ko pagmamakalawahin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978