Add parallel Print Page Options

Hindi(A) ba iyan ang David na kanilang binabanggit sa awit na:

‘Pumatay si Saul ng libu-libo
    si David nama'y sampu-sampung libo?’”

Tinawag ni Aquis si David. Sinabi niya, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[a] ikaw ay naging tapat sa akin. At para sa akin, nais kong kasama ka sa pakikidigma naming ito sapagkat buhat nang magkasama tayo'y wala akong masasabing masama laban sa iyo. Ngunit ayaw kang isama ng ibang pinuno. Kaya, magbalik ka na para hindi magalit sa iyo ang mga pinuno ng mga Filisteo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 29:6 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .