Add parallel Print Page Options

Ang(A) dalawang asawa ni David ay nabihag din, si Ahinoam na taga-Jezreel, at si Abigail, na balo ni Nabal, na taga-Carmel.

Lubhang naguluhan si David sapagkat pinag-usapan ng mga tao na batuhin siya. Ang buong bayan ay masama ang kalooban, dahil sa kanya-kanyang mga anak na lalaki at babae. Ngunit pinalakas ni David ang kanyang sarili sa Panginoon niyang Diyos.

Sinabi(B) ni David kay Abiatar na pari, na anak ni Ahimelec, “Dalhin mo rito sa akin ang efod.” Kaya't dinala roon ni Abiatar ang efod kay David.

Read full chapter