Add parallel Print Page Options

Lubhang naguluhan si David sapagkat pinag-usapan ng mga tao na batuhin siya. Ang buong bayan ay masama ang kalooban, dahil sa kanya-kanyang mga anak na lalaki at babae. Ngunit pinalakas ni David ang kanyang sarili sa Panginoon niyang Diyos.

Sinabi(A) ni David kay Abiatar na pari, na anak ni Ahimelec, “Dalhin mo rito sa akin ang efod.” Kaya't dinala roon ni Abiatar ang efod kay David.

At sumangguni si David sa Panginoon, “Hahabulin ko ba ang pangkat na ito? Aabutan ko kaya sila?” At sinagot siya ng Panginoon,[a] “Habulin mo, sapagkat tiyak na aabutan mo at tiyak na maililigtas mo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 30:8 Sa Hebreo ay niya .