Font Size
1 Samuel 30:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Samuel 30:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Sobrang nag-alala si David dahil masama ang loob ng kanyang mga tauhan sa pagkabihag ng mga asawaʼt anak nila, at balak nilang batuhin siya. Pero pinalakas siya ng Panginoon na kanyang Dios.
7 Kaya sinabi ni David sa paring si Abiatar, na anak ni Ahimelec, “Dalhin mo sa akin ang espesyal na damit[a] ng pari.” Dinala nga ito ni Abiatar sa kanya. 8 Nagtanong si David sa Panginoon, “Hahabulin ko po ba ang mga sumalakay sa amin? Matatalo ko po ba sila?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, habulin mo sila. Siguradong matatalo mo sila at maililigtas mo ang mga bihag.”
Read full chapterFootnotes
- 30:7 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®