Add parallel Print Page Options

At nang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay pumasok sa kampamento, ang buong Israel ay (A)humiyaw ng malakas na hiyaw, na ano pa't naghinugong sa (B)lupa.

At nang marinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyaw, ay nagsipagsabi, Ano ang kahulugan ng ingay nitong malakas na hiyaw sa kampamento ng mga Hebreo? At kanilang natalastas na ang kaban ng Panginoon ay ipinasok sa kampamento.

At ang mga Filisteo ay nangatakot, sapagka't kanilang sinabi, Ang Dios ay pumasok sa kampamento. At kanilang sinabi, Sa aba natin! sapagka't hindi pa nagkakaroon ng ganyang bagay kailan man.

Read full chapter