1 Samuel 5:7-9
Ang Biblia (1978)
7 At nang makita ng mga lalake sa Asdod na gayon, ay kanilang sinabi, Ang kaban ng Dios ng Israel ay huwag matirang kasama natin; sapagka't ang kaniyang kamay ay mabigat sa atin, at kay Dagon ating dios.
8 Sila'y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga (A)pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi, Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel? At sila'y sumagot, Dalhin sa (B)Gath ang kaban ng Dios ng Israel. At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel.
9 At nangyari, na pagkatapos na kanilang madala, (C)ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa bayan, na nagkaroon ng malaking pagkalito: at sinaktan niya ang mga tao sa bayan, ang maliit at gayon din ang malaki; at mga bukol ay sumibol sa kanila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978