Font Size
1 Samuel 6:1-3
Ang Biblia (1978)
1 Samuel 6:1-3
Ang Biblia (1978)
Ang kaban ay isinauli na may kasamang handog.
6 At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan.
2 At (A)tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula, na sinasabi, Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako.
3 At kanilang sinabi, Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel, ay (B)huwag ninyong ipadalang walang laman; (C)kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala: kung magkagayo'y gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978