Add parallel Print Page Options

At kanilang sinabi, Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel, ay (A)huwag ninyong ipadalang walang laman; (B)kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala: kung magkagayo'y gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo.

Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong (C)dagá (D)ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo.

Kaya't kayo'y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol, at mga larawan ng inyong mga daga na (E)sumira ng lupain, (F)at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel: (G)baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay (H)sa inyo, at sa inyong mga dios, at sa inyong lupain.

Read full chapter