Add parallel Print Page Options

14 Tinularan ninyo, mga kapatid, ang halimbawa ng mga iglesya ng Diyos sa Judea na nakay Cristo Jesus. Dumanas din kayo ng hirap mula sa kamay ng sarili ninyong mga kababayan, gaya rin ng mga taga-Judea na inusig ng kapwa nila Judio. 15 Sila ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta; sila rin ang nagpalayas sa amin. Hindi sila kalugud-lugod sa Diyos, gayundin sa lahat ng tao! 16 Pilit silang humahadlang sa aming pangangaral sa mga Hentil upang maligtas ang mga ito. Sukdulan na ang kanilang kasamaan kaya naman bumagsak na sa kanila ang poot ng Diyos.

Read full chapter