Add parallel Print Page Options

Ang Buhay na Kinalulugdan ng Diyos

Bilang pangwakas, mga kapatid, hinihiling namin at ipinapayo sa inyo alang-alang sa Panginoong Jesus na lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong pamumuhay, gaya ng natutuhan ninyo sa amin, upang maging kalugud-lugod kayo sa Diyos. Ito naman ang ginagawa ninyo. Natatandaan ninyo kung ano ang mga tagubiling ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at kayo'y umiwas sa lahat ng uri ng pakikiapid.

Read full chapter