Add parallel Print Page Options

12 Sa ganitong paraan ay igagalang kayo ng mga di-mananampalataya, at hindi kayo aasa kaninuman.

Ang Pagbabalik ng Panginoon

13 Hindi namin nais, mga kapatid, na kayo'y manatiling walang alam tungkol sa mga namayapa upang huwag kayong maghinagpis tulad ng ibang walang pag-asa. 14 Sumasampalataya tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay, kaya naniniwala rin tayong bubuhayin ng Diyos na kasama ni Jesus ang lahat ng namatay na nananalig sa kanya.

Read full chapter