Font Size
1 Pedro 5:2-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Pedro 5:2-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Pangalagaan(A) ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. [Iyan ang nais ng Diyos].[a] Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, 3 hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa kayo sa kawan.
Read full chapterFootnotes
- 2 Iyan ang nais ng Diyos: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.