Font Size
1 Tesalonica 3:1-4
Magandang Balita Biblia
1 Tesalonica 3:1-4
Magandang Balita Biblia
3 Kaya naman, nang hindi na kami makatiis, minabuti naming magpaiwan sa Atenas 2 at(A) suguin sa inyo si Timoteo na ating kapatid at kamanggagawa para sa Diyos[a] sa pangangaral ng Magandang Balita tungkol kay Cristo. Isinugo namin siya upang patatagin kayo at palakasin ang inyong loob alang-alang sa inyong pananampalataya, 3 upang hindi manghina ang sinuman sa inyo dahil sa mga pag-uusig. Alam ninyong ang mga pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos para sa atin. 4 Ipinagpauna na namin sa inyo noong naririyan pa kami na tayo'y uusigin, at gayon nga ang nangyayari tulad ng alam ninyo.
Read full chapterFootnotes
- 1 Tesalonica 3:2 kamanggagawa para sa Diyos: Sa ibang manuskrito'y lingkod ng Diyos, at sa iba pang manuskrito'y lingkod at kamanggagawa ng Diyos .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.