Font Size
2 Corinto 11:3-5
Ang Salita ng Diyos
2 Corinto 11:3-5
Ang Salita ng Diyos
3 Subalit ako ay natatakot baka sa anumang paraan, tulad nang dayain ng ahas si Eba sa pamamagitan ng katusuhan, ay madumihan ang inyong kaisipan mula sa katapatan na na kay Cristo. 4 Ito ay sapagkat kung may dumating na nangangaral ng ibang Jesus na hindi naman namin ipinangaral ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibangespiritu na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibang ebanghelyo na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. 5 Inaakala kong hindi ako huli sa anumang bagay sa kanila na nakakahigit namga apostol.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International