Add parallel Print Page Options

Pagpapatawad sa Nagkasala

Subalit kung may taong naging sanhi ng kalungkutan, hindi ako ang pinalungkot niya, kundi sa katunayan ay kayong lahat—sinasabi ko ito sa paraang hindi kayo masyadong masasaktan. Sapat na para sa taong iyon ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami. Sa halip, patawarin ninyo siya at aliwin, upang hindi siya madaig ng labis na kalungkutan.

Read full chapter