Add parallel Print Page Options

Pinasisimulan baga naming muli na ipagkapuri ang aming sarili? o kami baga ay nangangailangan gaya ng iba, ng mga sulat na papuri sa inyo, o mula sa inyo?

Kayo ay ang aming sulat, na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao;

Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman.

At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:

Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios;

Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.

Nguni't kung ang pangangasiwa ng kamatayan, na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas:

Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu?

Sapagka't kung ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian ang pangasiwang ukol sa katuwiran.

10 Sapagka't katotohanang ang pinaluwalhati ay hindi pinaluwalhati sa bagay na ito, ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana.

11 Sapagka't kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian.

12 Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita,

13 At hindi gaya ni Moises, na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa katapusan niyaong lumilipas:

14 Datapuwa't ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, pagka binabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo.

15 Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.

16 Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong.

17 Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan.

18 Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.

新约的执事

难道我们又开始推荐自己吗?难道我们像某些人那样要用人的推荐信介绍给你们,或用你们的推荐信给人吗? 你们就是我们的推荐信,写在我们心里,被众人所知道、所诵读的, 而你们显明自己是基督的书信,藉着我们写成的。不是用墨写的,而是用永生 神的灵写的;不是写在石版上,而是写在心版上的。

我们藉着基督才对 神有这样的信心。 并不是我们凭自己配做什么事,我们之所以配做是出于 神; 他使我们能配作新约的执事,不是文字上的约,而是圣灵的约;因为文字使人死,圣灵能使人活。

那用字刻在石头上属死的事奉尚且有荣光,以致以色列人因摩西脸上那逐渐褪色的荣光不能定睛看他的脸, 那属圣灵的事奉不是更有荣光吗? 若是那使人定罪的事奉有荣光,那使人称义的事奉的荣光就越发大了。 10 那从前有荣光的,因这更大的荣光,就算不得有荣光了; 11 若是那逐渐褪色的有荣光,这长存的就更有荣光了。

12 既然我们有这样的盼望,就大有胆量, 13 不像摩西将面纱蒙在脸上,使以色列人不能定睛看到那逐渐褪色的荣光的结局。 14 但他们的心地刚硬,直到今日诵读旧约的时候,这同样的面纱还没有揭去;因为这面纱在基督里才被废去。 15 然而直到今日,每逢诵读摩西书的时候,面纱还在他们心上。 16 但他们的心何时归向主,面纱就何时除去。 17 主就是那灵;主的灵在哪里,哪里就有自由。 18 既然我们众人以揭去面纱的脸得以看见[a]主的荣光,好像从镜子里返照,就变成了与主有同样的形像,荣上加荣,如同从主的灵[b]变成的。

Footnotes

  1. 3.18 “看见”或译“反映”。
  2. 3.18 “从主的灵”或译“从主,就是灵”。