Add parallel Print Page Options

Ang Templo ng Diyos na Buháy

14 Huwag kayong makipamatok nang hindi patas sa mga di-mananampalataya. Sapagkat anong samahan mayroon ang katuwiran at kamalian? O anong pakikisama mayroon ang liwanag sa kadiliman? 15 At anong pagkakasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa di-mananampalataya? 16 Anong (A) pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo[a] ay templo ng Diyos na buhay. Gaya ng sinabi ng Diyos,

“Ako'y maninirahan sa kanila, at lalakad na kasama nila,
    ako'y magiging Diyos nila,
    at sila'y magiging bayan ko.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Corinto 6:16 Sa ibang mga manuskrito kayo.