Add parallel Print Page Options

12 ibibigay ko sa iyo ang iyong hinihingi. At hindi lang iyan, bibigyan din kita ng mga kayamanan at karangalan na hindi pa nakamtan ng sinumang hari noon at sa darating na panahon.”

13 Pagkatapos, umalis si Solomon sa Toldang Tipanan doon sa sambahan sa matataas na lugar na nasa Gibeon, at bumalik sa Jerusalem. At naghari siya sa Israel.

Ang mga Kayamanan ni Solomon(A)

14 Nakapagtipon si Solomon ng 1,400 karwahe at 12,000 kabayo.[a] Inilagay niya ang iba nito sa mga lungsod na taguan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:14 kabayo: o, mangangabayo.