Font Size
2 Cronica 1:5-7
Ang Biblia, 2001
2 Cronica 1:5-7
Ang Biblia, 2001
5 Bukod(A) dito, ang dambanang tanso na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri, na anak ni Hur ay naroon sa harapan ng tabernakulo ng Panginoon. Doon ay sumangguni sa Panginoon si Solomon at ang kapulungan.
6 Si Solomon ay umakyat sa dambanang tanso sa harapan ng Panginoon na nasa toldang tipanan at nag-alay doon ng isang libong handog na sinusunog.
7 Nang gabing iyon, nagpakita ang Diyos kay Solomon at sinabi sa kanya, “Hingin mo ang dapat kong ibigay sa iyo.”
Read full chapter