2 Cronica 14:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Sapagka't sinabi niya sa Juda, Itayo natin ang mga bayang ito, at gawan sa palibot ng mga kuta, at ng mga moog, ng mga pintuang-bayan, at ng mga halang; ang lupain ay nasa harap pa natin, sapagka't ating hinahanap ang Panginoon nating Dios; ating hinanap siya, at binigyan niya tayo ng kapahingahan sa lahat ng dako. Sa gayo'y kanilang itinayo at nagsiginhawa.
8 At si Asa ay may isang hukbo na may dalang mga kalasag at mga sibat, na mula sa Juda, (A)na tatlong daang libo; at mula sa Benjamin, na nagdadala ng mga kalasag at nagpapahilagpos ng mga busog na dalawang daan at walong pung libo: lahat ng mga ito ay mga makapangyarihang lalake na matatapang.
Si Asa ay nagtagumpay laban kay Zera na taga Etiopia.
9 At lumabas laban sa kanila si Zera na taga Etiopia na may hukbo na isang angaw, at tatlong daang karo; at siya'y naparoon sa (B)Maresa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978