Add parallel Print Page Options

May 300,000 sundalo si Asa na taga-Juda, na armado ng malalaking pananggalang at mga sibat. At mayroon din siyang 280,000 sundalo na taga-Benjamin, na armado ng maliliit na pananggalang at mga pana. Silang lahat ay matatapang na sundalo.

Nilusob ni Zera na taga-Etiopia[a] ang Juda kasama ang maraming sundalo at 300 karwahe. At nakarating sila hanggang sa Maresha. 10 Pumwesto sina Asa sa Lambak ng Zefata malapit sa Maresha.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:9 taga-Etiopia: sa Hebreo, taga-Cush.