Add parallel Print Page Options

27 Nang magkagayo'y nagsibalik sila, bawa't lalake sa Juda, at sa Jerusalem, at si Josaphat ay sa unahan nila, upang bumalik sa Jerusalem na may kagalakan; sapagka't sila'y (A)pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway.

28 At sila'y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga (B)salterio at mga alpa, at mga pakakak sa bahay ng Panginoon.

29 At ang (C)takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.

Read full chapter