Add parallel Print Page Options

12 At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong ama, sapagka't hindi ka lumakad ng mga (A)lakad ni Josaphat na iyong ama, o ng mga (B)lakad man ni Asa na hari sa Juda:

13 Kundi ikaw ay lumakad (C)ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem, (D)gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; at iyo rin namang pinatay ang (E)iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama, na lalong mabuti kay sa iyo:

14 Narito, ang Panginoon ay mananalot ng malaki sa iyong bayan, at sa iyong mga anak, at sa iyong mga asawa, at sa lahat ng iyong pagaari:

Read full chapter