Font Size
2 Cronica 21:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Cronica 21:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, gaya ng ginawa ng sambahayan ni Ahab, dahil ang kanyang napangasawa ay anak ni Ahab. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. 7 Pero dahil sa kasunduan ng Panginoon kay David, hindi niya nilipol ang angkan ni David. Nangako siya kay David na hindi mawawalan si David ng angkan na maghahari magpakailanman.[a]
8 Nang panahon ng paghahari ni Jehoram, nagrebelde ang Edom sa Juda, at pumili sila ng sarili nilang hari.
Read full chapterFootnotes
- 21:7 Nangako … magpakailanman: sa literal, Nangako ang Panginoon na bibigyan niya si David at ang kanyang angkan ng ilaw magpakailanman.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®