Add parallel Print Page Options

17 At ang buong bayan ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak, at pinagputolputol ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan, at (A)pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana.

18 At inihalal ni Joiada ang mga katungkulan sa bahay ng Panginoon, sa kapangyarihan ng kamay ng mga (B)saserdote na mga Levita, na siyang (C)binahagi ni David sa bahay ng Panginoon, upang maghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon, gaya ng nasusulat (D)sa kautusan ni Moises, na may pagkagalak, at may pagawit ayon sa ayos ni David.

19 At kaniyang inilagay ang mga (E)tagatanod-pinto sa mga pintuangdaan ng bahay ng Panginoon, upang walang pumasok na marumi sa anomang bagay.

Read full chapter