2 Cronica 24:13-15
Ang Biblia (1978)
13 Sa gayo'y nagsigawa ang mga manggagawa, at ang gawa ay nayari sa pamamagitan nila, at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan, at pinatibay.
14 At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada, (A)na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa (B)lahat ng mga kaarawan ni Joiada.
15 Nguni't si Joiada ay tumanda at napuspos ng mga araw, at siya'y namatay; siya'y may isang daan at tatlongpung taon nang siya'y mamatay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978