Add parallel Print Page Options

11 At si Amasias ay tumapang, at inilabas ang kaniyang bayan, at naparoon (A)sa Libis ng Asin, at sumakit sa (B)mga anak ni Seir ng sangpung libo.

12 At sangpung libo ang dinala ng mga anak ni Juda na buháy, at dinala sila sa taluktok ng burol at inihagis sila mula sa taluktok ng burol na anopa't silang lahat ay nagkawaraywaray.

13 Nguni't ang mga lalake ng hukbo na ipinabalik ni (C)Amasias, upang sila'y huwag magsisunod sa kaniya sa pakikipagbaka, ay nagsidaluhong sa mga bayan ng Juda, mula sa Samaria hanggang sa (D)Bet-horon, at nanakit sa kanila ng tatlong libo, at nagsikuha ng maraming samsam.

Read full chapter