2 Cronica 25:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At sangpung libo ang dinala ng mga anak ni Juda na buháy, at dinala sila sa taluktok ng burol at inihagis sila mula sa taluktok ng burol na anopa't silang lahat ay nagkawaraywaray.
13 Nguni't ang mga lalake ng hukbo na ipinabalik ni (A)Amasias, upang sila'y huwag magsisunod sa kaniya sa pakikipagbaka, ay nagsidaluhong sa mga bayan ng Juda, mula sa Samaria hanggang sa (B)Bet-horon, at nanakit sa kanila ng tatlong libo, at nagsikuha ng maraming samsam.
14 Nangyari nga, pagkatapos na si Amasias ay manggaling na mula sa pagpatay sa mga Idumio (C)na kaniyang dinala ang mga dios ng mga anak ni Seir, at inilagay na maging kaniyang mga dios, at yumukod sa harap ng mga yaon, at nagsunog ng kamangyan sa mga yaon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978