Add parallel Print Page Options

At siya'y lumabas at nakipagdigma laban sa mga Filisteo, at ibinagsak ang kuta ng (A)Gath, at ang kuta ng Jabnia, at ang kuta ng Asdod; at siya'y nagtayo ng mga bayan sa lupain ng (B)Asdod, at sa gitna ng mga Filisteo.

At tinulungan siya ng Dios laban sa mga Filisteo, at laban sa (C)mga taga Arabia na nagsisitahan sa Gurbaal, at sa mga Meunim.

At ang mga Ammonita ay nagsipagbigay ng mga (D)kaloob kay Uzzias; at ang kaniyang pangalan ay lumaganap hanggang sa pasukan ng Egipto; sapagka't siya'y lumakas na mainam.

Read full chapter