2 Cronica 29:20-22
Ang Biblia (1978)
Handog sa kasalanan at handog na susunugin ay dinala.
20 Nang magkagayo'y si Ezechias na hari ay bumangong maaga, at pinisan ang mga prinsipe ng bayan, at sumampa sa bahay ng Panginoon.
21 At sila'y nagsipagdala ng (A)pitong baka, at pitong tupa, at pitong kordero, at pitong kambing na lalake, na (B)pinakahandog dahil sa kasalanan sa ikagagaling ng kaharian, at ng santuario, at ng Juda. At siya'y nagutos sa mga saserdote na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga yaon sa dambana ng Panginoon.
22 Sa gayo'y kanilang pinatay ang mga baka, at tinanggap ng mga saserdote ang dugo, at iniwisik sa dambana: at kanilang pinatay ang mga tupa, at iwinisik ang (C)dugo sa ibabaw ng dambana: pinatay rin nila ang mga kordero, at iniwisik ang dugo sa ibabaw ng dambana.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978